kasaklawan

2024 Dating Mayor Alice Guo, sumailalim na sa medical examination; mug shot ng dating Alkalde, inilabas ng PNP

radyopilipinas.ph

📰 Dating Mayor Alice Guo, sumailalim na sa medical examination; mug shot ng dating Alkalde, inilabas ng PNP

Maganda ang naging resulta ng isinagawang medical examination ng PNP kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Matapos nito ay kinuhanan na siya ng mug shot matapos na ganap na maisilbi kay Guo ang Warrant of Arrest ng Senado laban sa kaniya at mabasahan ng miranda rights bilang bahagi ng proseso.

Nang makarating na sa PNP Custodial Facility sa Kampo Crame, kinalagan na ang posas kay Guo at saka siya inihatid sa kaniyang silid para makapagpahinga. Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa paligid ng PNP Custodial Facility kung saan, maya’t maya ang pag-iikot ng mga Pulis na nakasuot ng bullet-proof vest at armado ng matataas na kalibre ng armas.

1
0
Comments 0